Monday, July 3, 2017

Viral: Tao Versus Manok

                              
      Ang bawat sabungero ay may kanya-kanyang teknik sa pagsasanay ng manok.  Mahalaga itong parte dahil kung ‘di naging maganda ang pagsasanay malamang na hindi rin magiging maganda ang performance nito sa ruweda.

    ‘Yung iba kapag nagti-training ng manok ay gumagamit pa ng dummy chicken para rito papaluin ang manok. Kapag totoong manok daw kasi ay malalamog lang ang katawan ng ka-sparring nito. Pero sa pambihirang pagkakataon ay meron din naman na ang sarili mismo nila ang ipinapain para sanayin ang manok.


    Sa viral video na ito na pinost ng Facebook user na si Umair Awan, makikita ang isang lalaki na nakikipag-sparring sa manok. Pero kapag sumusugod naman ang manok ay naatras din. Mahirap nga naman ang mapalo. Mabuti pa ay panoorin na lang ang trip ng lalaking ito.

No comments:

Post a Comment