Monday, July 17, 2017

Viral: Manok na Tumatawa

Credit to Barcroft Animals 
Hindi lang loro ang nakakapanggaya ng boses ng tao kundi pati na rin ang manok. ‘Yun nga lang ay pagtawa lang ang kayang gayahin ng mga ito. Sa Jakarta, Indonesia diumano ay may mga magmamanok na sinasanay ang kanilang alagang manok para gayahin ang tunog ng pagtawa ng mga tao.

Noon ngang July 16, 2011 ay nagkaroon pa ng laughing contest ng mga manok kung saan ay 187 na mga manok ang nagsipaglaban-laban. Kung pakikinggan mo ay talaga namang nakatutuwa dahil ang alam lang natin sa manok ay tumitilaok. Meron din palang tumatawa.


Panoorin ang video:

No comments:

Post a Comment