Saturday, July 15, 2017

VIral: Lolo, Pinapasayaw ang Mga Manok Habang Nagpapakain


Talaga namang ang pagmamanok ay nakalilibang dahil tunay namang nakakapagpasigla ito ng pakiramdam. Sabi nga ng iba, nakapagpahaba ng buhay ang pagmamanok. Kahit itanong mo pa sa matatandang gamefowl breeder o sabungero.

Isang Mehikanong lolo ngayon ang pinag-uusapan sa sabong community dahil kakaiba niyang sistema sa pag-aalaga ng manok. Paano ba naman, pinapasayaw pa niya ang mga manok bago pakainin.

Makikita sa video na kumakanta pa si Lolo habang sumasayaw. Para namang sumasabay sa pagsayaw ang mga manok dahil umiikut-ikot sila habang sumasayaw at kumakatanta si Lolo. 'Di ba't nakakaaliw?

Panoorin ang video:

No comments:

Post a Comment