Wednesday, January 18, 2017

Taga-bitaw ng Manok, Tinamaan ng Tari

        Ang pagbibitaw ng manok sa ruweda ay basta-basta kaya't kinakailangan ng ibayong pag-iingat. Dahil kung hindi ay tiyak na disgrasya ang aabutin, sa talim ba naman ng blade. Nangyari na ito sa isang sentensyador sa New Tarlac Coliseum. Pinagpapalagay ng mga nakakita na pinalo ito ng manok dahil nakasuot siya pajama na may kulay-pula. Kaya't payo pa ng ilan na iwasang magsuot ng ganitong kulay lalo na't isa kang sentensyador.

         Ganito rin ang sinapit ng isang taga-bitaw nang biglang pumihit sa kanya ang paa ng manok matapos niyang pingutin ang manok kahit wala na itong baena kaya't nagpupumiglas ang manok. Mabuti na lang at alisto ang sentensyador at nakuha agad ang manok dahil kung hindi baka mas malaking disgrasya pa ang inabot ng taga-bitaw.

      Nangyari ang insidente sa may Oquendo Galera, Calbayog City.

Panoorin ang video:

1 comment: