Wednesday, January 18, 2017

Gamefowl Livelihood sa Calaca, Batangas, Patok!


Proud na ibahagi ng isang Facebook user  na si Carling Jolongbayan Magpili ang mga larawan nang isinasagawang proyekto ng Calaca Mayor na si Sofronio Manuel C. Ona. Ang mga kuhang larawan ay pinamagatang "Ganito Kami sa Calaca". Makikita rito ang kalalakihan na may hawak-hawak na mga cock box. Naganap ang pamimigay ng mga manok sa Munisipyo ng Calaca.

Si Mayor Ona ay isang gamefowl breeder at ang isa sa kanyang naisip na proyekto ay ang pagkakaloob ng mga manok sa kanyang mga kababayan para makatulong sa kanilang kabuhayan. Hindi hinihikayat ng alkade ang mga napagkalooban ng manok na isabong ito bagkus ito ay kanilang pararamihin at saka ibibenta.

       Si Mayor Ona ay kasalukuyan nang nasa kanyang ikatatlong termino. Sa loob ng kanyang panunungkulan ay marami na sa kanyang mga kababayan ang nakinabang sa ginagawa niyang gamefowl livelihood.



No comments:

Post a Comment