Wednesday, January 25, 2017

2 Tauhan ng NBI, Nagbarilan Dahil sa Pusta sa Sabong, 1 Patay


               Nasawi ang isang security officer ng National Bureau of INvistigation (NBI) matapos itong makipagbarilan sa kapwa niya taga-NBI. Nangyari ang insendente sa Bgry. Dolores, Capas, Tarlac noong Enero 25 ng ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Laverne Vitug, 51-taong gulang at residente ng Tarlac City. Habang ang suspek naman ay kinilala na si Atty. Boy de Castro,isang intellegence officer ng NBI. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nasa loob ng sabungan ang dalawa at nagkapustahan. Nang hindi magkabayaran ay nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo. Hanggang sa mauwi ito sa barilan.

  Nagawa pa diumanong isugod sa ospital ang biktima subali't idineklara ito na dead on arrival. Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya para panagutin sa ginawa nitong krimen.
Source: abscbn.com

No comments:

Post a Comment