Tuesday, August 15, 2017

Sakripisyo ng Mga Sabungerong OFW

Si Capt. Errol Lacayanga, isa sa mga sabungerong OFW

Sadyang napakahirap ang magtrabaho sa ibang bansa. Una, malayo ka sa iyong pamilya. Sigurado na manananabik ka sa kanila sa araw-araw. Nais mo silang yakapin, pero ‘di mo magawa. Ang magagawa mo na lang ay kausapin sila sa pamamagitan ng pag-chat sa Facebook o tawag sa Skype o ‘di-kaya’y sa telepono. Para maibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman, iisipin mo na lang na kaya ka nasa ibang bansa ay para mabigyan ng magandang kinabukasan ang iyong pamilya. Bukod sa iyong pamilya, siyempre nami-miss mo rin ang iyong manok pati na rin ang paborito mong tambayan-ang sabungan!

Alam naman natin na ang sabong ay ipinagbabawal sa maraming bansa partikular na sa Europe, USA at sa United Arab of Emirates. Pero mayroon tayong naririnig na ilan sa mga OFW ay sumasali sa underground derbies, mairaos lang ang kanilang hilig, Alam naman nilang lubha itong mapanganib pero ginagawa pa rin nila. Puwedeng-puwede kasi silang mahuli ng otoridad anumang oras. Wala sila sa Pilipinas kung saan ang mga nahuhuli sa tupada ay napapakawalan din agad. Eh, sa ibang bansa sigurado na mahigpit ang kanilang batas pagdating sa sabong. Kaya’t mas mabuting sumunod na lang sa batas kaysa makipagsapalaran pa at magkaroon ng malaking problema.

Kung ikaw ay isang sabungerong OFW, ano ang ginagawa mo para maibsan ang pangungulila mo sa manok? Mayroon ka rin bang mga libro, magazines at DVD’s hinggil sa sabong? At least, updated ka pa rin lagi kung ano ang bago sa sabong. Inaalam mo kung sino’ng breeder ang matunog ang pangalan at ano’ng bloodline ang pinag-uusapan ngayon. Sigurado rin na aktibo ka sa pagsali sa mga forum sa Facebook groups. Sa pamamagitan nito, maibabahagi mo ang iyong opinyon sa pagmamanok sa mga kapwa mo sabungero. Dahil dito, mararamdaman mo na ‘di ka nag-iisa. Mapalad ka kung ang mga katrabaho mo sa abroad ay kapareho mong mahilig sa manok dahil makakapag-chicken talk kayo lagi. Balita ko, marami sa mga marino ay sabungero.

Kung mayroon kang mga manok sa Pilipinas, siguradong palagi mo silang iniisip. Kaya naman lagi mong inaalam ang kanilang kalagayan sa araw-araw. Napakadali lang naman itong gawin dahil sa teknolohiya. Manghingi ka lang ng video ng manok sa taga-pag-alaga ay maipapakita ito agad sa iyo. Masayang-masaya ka kapag nalalaman mong nananalo sa derby ang iyong manok. Kahit sa loob-loob mo ay nalulungkot ka rin dahil ‘di mo nasasaksihan nang personal ang pagkakapanalo ng iyong manok. Pero salamat na lang at mayroon ng live streaming.

Hindi mo alam kung gaano ka pa magtatagal sa pagtatrabaho sa abroad. Para sa iba, ang isang taon ay katumbas na ng napakahabang panahon, Kung ikaw lang ang masusunod, gusto mong makabalik agad sa Pilipinas para makasama mo na ang iyong pamilya at mga manok. Pero kailangan mo pang magsakripisyo. Magkagayun man malayo ka man sa Pilipinas, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal mo sa iyong pamilya at sa sport na sabong. Isa lang ang sigurado, makakabalik ka rin isang araw sa Pilipinas. Hindi para magbakasyon lang kundi dito ka na mananatili hanggang sa malagutan nang hininga. Wala pa rin kasing sasarap pa sa paninirahan sa sariling bayan kung saan malaya kang makakapagsabong!


Monday, August 14, 2017

Pamana sa Sabong ni Johnnie Jumper


Kung mayroon mang namayapa nang cocker-breeder, pero lagi pa ring naaalala sa mundo ng sabong, isa na siguro rito ang Amerikanong si Johnnie Jumper. Bagama’t wala na siya, ang kanyang pamana sa sabong ay nananatili pa rin dahil nakasulat na ang kanyang pangalan sa minamahal nating isport.

Nagsimulang magmanok si Johnnie noong siya ay pitong taong gulang pa lang. Mula noon ang pagmamanok ay naging malaking parte na ng kanyang buhay. Mga dekada ’50, naging kaibigan niya ang ilan sa mga itinuturing na mga alamat ng sabong na sina Weather Kelso, Duke Hulsey at Cecil Davis. Ang mga nasabing pangalan ay nagbigay ng malaking impluwensya sa career ni Johnnie bilang magmamanok.

Dekada ’60 naman nang maging matunog ang kanyang pangalan sa sabong. Ito rin ‘yung panahon na ginawa niyang negosyo ang pagmamanok. Para kay Johnnie, hindi basta-basta ang pagbi-breed ng manok dahil napakaraming balakid na kinakaharap. Pero dahil likas na ang pagkakaroon ng talento ay magaganda ang kanyang napuprodyus. Sa sabong ‘di lang mga kostumer ang kanyang nakuha; nagkaroon din siya ng maraming mga kaibigan na naniwala sa kanyang kakayahan.

Nakilala si Johnnie sa mga linyada gaya ng Jumper Kelso at Radio Line. Nakuha niya ang kanyang Radio Line mula kay Ceil Davis. Tinawag niya itong Radio dahil noong una niya itong makuha ay napakaingay nito. Ipinares niya ito sa Murphy, White Hackle at Kelso. Nagustuhan naman niya ang kinalabasan nang pagpapares niyang ito. Bukod sa naging maganda ang katawan ay maganda rin ang naging performance. Mayroon kasi itong gameness at cutting ability. Isa pa ang Radio ay mataas ang winning percentage.

Si Johnnie ang tipo ng breeder na perfectionist. Hindi kasi siya tumiigil hangga’t ‘di niya nakikitang gumagaling ang manok. Bago niya i-breed ang manok, inaalam muna niya ang history ng manok o kung saan ito nanggaling. Naniniwala kasi siyang ang magulang ay malaki ang kinalaman para maging magaling ang isang manok. Kapag ang magulang ay mahina, malaki ang posibilidad na magiging mahina rin ang ipuprodyus na mga supling.

Sa kabilang banda, hindi lang nakilala sa pagiging breeder si Johnnie, kundi nakilala rin siya bilang pinagpipitagang tao. Ayon sa mga nakasalamuha na niya ng personal, napakabait niya at napakatapat. ‘Di sila nakarinig nang anumang ‘di magagandang salita mula rito o wala itong inagabriyado ni kahit isang tao. Bagkus ay laging bukas ang mga kamay nito para tumulong sa mga nangangailangan ng kanyang payo. Bukas din siya sa mga gustong makakuha ng kanyang manok.

Noong nabunuhay pa si Johnnie ay ilang beses na itong nakabisita sa Pilipinas. Kaya naman marami rin siyang mga prominenteng breeder na naging kaibigan dito. Napamahal na sa kanya ang bansa natin dahil sa pagiging hospitable nating mga Pilipino at pagiging dedicated sa sabong. Bago pumanaw si Johnnie noong 2011, naipalaganap na niya ang kanyang mga linyada. Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Para sa maraming mga sabungero, si Johnnie Jumper ay isa nang immortal dahil sa kanyang mga manok.


Sabungero, Napahataw ng Sayaw sa Sabungan!


        Likas na sa mga sabungero ang pagiging masiyahin. Nadadala nila ito hanggangg sa sabungan. Sa sobrang kasiyahan, nariyan na mayroon pang napapatalon, napapagulong, napapasigaw, napapahuhubo at siyempre pa mayroon ding mga napapasayaw!

       Gaya na lang nang mapapanood sa video na nakunan sa isang sabungan sa Cagayan de Oro. Dahil sa sobrang saya ay napasayaw ang isang sabungero. Hindi dahilan ang walang tugtog para ‘di sumayaw basta’t siya ay todo bigay. Marami namang natuwa sa ginagawang ito ng sabungero. Anila’y nakaka-good vibes!


Panoorin ang video:

Sunday, August 13, 2017

Health Benefits of Cockfighting


Passion from what you interested in can give positive results within your total personality. It revolves and motivates your well-being into another dimension of your life.

The same thing happens in cockfighting wherein the health benefits are capturing your state of mind and body. Actually, there is no concrete scientific explanation why this is happening to some cockers. They experienced relaxation, stress and worrying when handling their chickens. It’s really hard to explain on the side of the cockers why. Even the headache due to business or work-related problem will ease suddenly.

The truth is cocker becomes happy when touching the feathers of the chicken and during sparring time. It gives excitement to them when they observe the chicken fight with good performance. Hoping to win in derby gives another light to them.

Some cockers, after waking-up in the morning, think of their chicken first before anything else. They are obsessed with their fighting cocks than the priorities in life. Even before having coffee or while having coffee, they are holding their chickens all along. Likewise, the crowing of their chickens in the morning is a music to their ears that gives delight to their existence. So, worrying is not a problem to them because of this kind of relaxation.

It is really hard to maintain fighting cocks from chicken droppings, noise and even during feeding time. But as a cocker, be patient to them when this thing happens. Just make sure that you have proper place for them, not a problem to your neighbours. It’s better to have a small farm or place that’s very convenient to the chickens.

Another thing aside from relaxation, cockfighting is better antidote for any sickness. You need to move your whole body when maintaining your favourite chickens. Raising them daily means fitness for your mind and body. The energy that you show makes them more vigilant in the cockpit arena. At the end of the day, properly feed chickens are healthy and it will give fortune to you in the long run.

Of course, cocker personal life must be prioritize too, to give positive balance in everything you do. As a cocker, chicken is happiness in life. It gives more than happiness but a long-lasting journey until the end.

There are senior citizens who still into cockfighting who feel younger. They don’t want to stay inside their house to watch television but instead they are going outside and carrying their chickens. They are energetic knowing that they still have endurance to join in cockfighting scene. Like their chickens, the longer they live, the longer the bonding of their favourite cocks.

 One of the best examples is Biboy Enriquez, he is more than 70 years old, because of cockfighting, still looks younger compare to his age. But of course, Mr. Enriquez is exercising for fitness and mind conditioning. He can have his own fitness program and at the same time, his chickens give positive impact on his cockfighting endeavour.


Cockers should stay away from excessive liquor drinking, smoking, and taking any drugs. Just take good care of your body and plan ahead for the next derby as winner.

Magician sa Sabungan


Mukha yatang 'di nauubusan ng gimik ang management ng mga sabungan dahil kung anu-ano'ng pakulo ang naiisip nilang gawin. Nariyan na magkaroon ng roundgirls, mga sexy na sumasayaw, boxing at kung anu-ano pa. Sa isa namang sabungan sa Pampanga ay nagkaroon ng magic show. Ano 'to ala-David Blaine at Cris Angel lang ang peg?

Ang nasabing magic show ay ipinaskil ng Youtube user na Juan C. Castillo na nakakuha na nang mahigit 400k views habang isinulat ang artikulong ito.

Para sa iba ay okay na okay ang mga ganitong klase ng mga gimik. Pang-ice breaker lang naman ito para 'di mainip ang mga sabungero kapag break time. Pero 'yung iba napapataas ng kilay ang sa ganito.

Tingnan nga natin kung okay ang magic ni kuya sa sabungan.

Saturday, August 12, 2017

Paano Manalo sa Derby?


Ang kumpetisyon sa sabong sa panahong ito ay sadyang napakahirap kumpara noong mga nakaraang dekada kung saan ay iilang mga pangalan lang ang nangingibabaw. Nangyari ito dahil iilan lang ang may kaalaman sa pagpapalahi ng manok. Sila 'yung mayayaman at mga sikat na breeders, kayang-kaya kasi nilang bumili ng imported na manok. Masikreto rin sila sa impormasyon; baka nga naman kapag ipinagkalat nila ay makasira ito sa kanilang diskarte. Pero ngayon, wala nang sikre-sikreto pa dahil lahat ng impormasyon hinggil sa pagmamanok ay nagkalat na kung saan-saan, mapa-telebisyon, magasin, seminars at siyempre sa internet!

Ngayon, kahit mga ordinaryong sabungero ay mayroon ng imported na manok. Ilan din sa atin ang nakapag-debelop na ng sariling linyada na gumagawa naman ng magandang record sa mga laban na kanilang sinasalihan.

Malungkot sabihin na walang garantisadong pormula kung paano ang manalo sa derby. Dahil kung meron man, wala sanang sabungero na kahit isang beses ay 'di pa natatalo. Kapag nagkaganun, wala na sa kanilang gustong lumaban pa. Kahit nga mga kinikilalala nang champion ay natatalo pa rin sa derby. Minsan nga, natatakbuhan pa sila ng kanilang manok. Pero ‘di naman ito dahilan para tumigil na sila sa kanilang pagmamanok o sa pagsali sa mga laban. Nais nilang patunayan na superior pa rin ang kanilang mga manok. Siyempre pa, para mapanatili ang maganda nilang reputasyon sa industriya ng sabong. Hangad din nila na makakuha na naman ng magandang record.

Para manalo sa derby, patuloy lang na maniwala sa iyong kakayahan. Laging isa-isip na kung kaya ng ibang magmamanok, kaya mo rin. Ipagpatuloy lang ang sistema na inaakala mong nakatutulong para mapagbuti ang pagpapalahi at pagkukundisyon ng manok. Ang tamang pagsasanay ng manok bago ito dalhin sa sabungan ay napakahalaga kaya’t kailangan talaga itong pagtrabahuan. Siguraduhin din na laging malusog ang manok. Pagdating nang araw ng laban, tiyakin na nasa tamang posisyon ang tari. Magkamali lang kasi ng konti ay maaari nang matalo. Kapag sinunod mo ang mga ito, ‘di naman ibig sabihin na mananalo ka na kundi mayroon kang tsansa na manalo. Hindi mo rin kasi masasabi kung ano’ng klaseng paghahanda na ginawa ng iyong kalaban.  

Sa huli, tandaan na ang sabong ay isa pa ring sugal o game of chance. Maaari kang manalo o matalo. Pero at least sa sabong mas madaling manalo kaysa tataya ka sa Lotto na napakaraming kumbinasyon ng numero ang kinakailangan bago tumama. Eh, sa sabong dalawang manok lang naman ang naglalaban. Maliban na lang kung karambola ito. Okay lang ang matalo. Alam mo naman sa sarili mo na ginawa mo ang tama. Wala kang dapat ipag-alala dahil lagi namang may puwang para sa pagbabago sa sabong. Malay mo sa susunod mong laban ikaw naman ang maging kampeon. Tandaan na ang tunay na potensyal na maging kampeon ay ‘yung mga ‘di marunong sumuko.



Friday, August 11, 2017

Tibay ng Mga Manok ni Atty. Art de Castro

Si Atty. de Castro kasama ang mga modelo ng Thunderbird
                   
Ang grupo ni Atty. de Castro nang mag-champion sila sa WSC-1 2016
      Kung patibayan lang ng manok ang pag-uusapan, isa na sa masasabing matitibay ang mga manok ay kay Atty. Art de Castro. Bakit hindi, eh dalawang beses na siyang nagkampeon sa prestihiyosong pasabong na World Slasher Cup. Ito ay noong taong 2010 at 2016 kung saan ay naging co-champion niya si Engr. Sonny Lagon.

      Sadyang mahusay pumili ng panlaban si Atty. de Castro, kapag tumitingin siya ng manok, ang una niyang tinitingnan ay ang height ng manok. Ang gusto niya ay ‘yung mahaba ang binti. Mas madalli kasi itong makatama o makakunekta sa kalaban kumpara sa maiksi ang binti.

     Pagdating sa katawan ng manok, ang gusto niya ay ‘yung maliit ang katawan, malapad ang balikat pero maliit ang baywang. Mas madali kasing makakakakilos ang manok kapag ganito. Para sa kanya, ang manok na malaki ang katawan ay mabagal kumilos kaya’t posible na maunahan ito ng kalaban pagdating sa paluan.

    Ayaw ni Atty. de Castro ng manok na masyadong agresibo o walang ingat. Kaya’t ang ginagawa niya ay hinahayaan niyang mapalo ang ito ng ibang mga manok nang sa gayun ay maging maingat na ito at mautak sa susunod.

  Iba-iba ang fighting style ng manok kaya’t mahirap matukoy kung aakma ba ang laro ng manok mo sa kalaban. Kaya para makasabay sa kahit ano’ng style ng kalaban, ang ginagawa ni Atty. de Castro ay ini-spar niya sa Bantam ang kanyang manok. Masusubukan kasi rito ang liksi ng iyong manok.

   Ang mga linyada sa manukan ni Atty. De Castro ay binubuo ng Leiper Hatch Roundhead, dark Kelsos, White-Legged Sweater, meron din siyang Peruvian na Open Air at Carmelo at iba pa.

Panoorin natin ang video ni Atty. De Castro nang mag-champion siya sa WSC-1 2016: